Cool Tumblr Themes
Napadaan ako sa profile ni Sweet :))

Nakita ko pictures nung mga dati kong classmate na nakauniform ng college..

Napa :O akoo. 

Left - Nikka, Right - Allyssa. 

Ang Ganda ni NIKKA ngayooon!! Hi Miss! pwedeng makuha number mo? HAHA! Si aly din :))

L - R

MIKEE JOICE NINAY Hangcuuuuute pa din ng mga bataaa! haha! :)) Sayaw na ulit tayo?? :) Laaab!

etong dalawa ang Dalaga naa! HAHA

Mabel, Sweet! :))) Ganda ng Bhe ko! :) Syempre mas maganda si Sub :))

Real Love Waits.

FRIDAY! 

May PE kami, kaninang umaga, nakalimutan kong sabihin dun sa kasambahay namin na gagamitin ko ulit ung PE uniform ko na ginamit ko nung Wed. Hindi ko nasabi! Pero nilabhan nya, pero, nakasampay pa, hindi pa plantsado, at late na ako kaya hindi ko na dinala un, sa halip, ay nagpunta ako sa cabinet ko at humigit ng kung anung pwedeng suotin. Nakita ko ung REAL LOVE WAITS ko na damit.

Habang nasa LRT ako, naalala ko, na medyo manipis nga pala ang tshirt na yun, dala na ng sobrang katagalan. [2nd yr pa ung damit na un, nakuha ko sya sa ILC Cebu :)] Eh di isip ako ng pwede kong gawin para hindi bumakat ang tyan ko. 

Pagdating ng oras ng palitan ng PE uniform, naghahanap ako ng may jacket, para matakpan nalang ang aking tyan, kasi iniwan ko ung jacket ko. Eh wala akong nahiraman, sawi, ika nga. So sinubukan kong magpalit, ng walang tshirt sa loob. OW MAAAY! Hume-hello there ang aking FATS!  Then nilagyan ko nlang sya ng tshirt sa loob. SOLB! Medyo tago, ngunit bakat pa din, wala nako magagawa dun. Pagpasok ko sa room, english time. Binasa nung mga kaklase ko ung nakalagay sa shirt ko, REAL LOVE WAITS. Madaming kumontra, sabi pa nung isa, ‘kung maghihintay ka lang, eh di wala na nangyare sayo? syempre aksyon aksyon din’, sabi naman nung iba, ‘ay syet mars! Ikaw pala ung hinihintay ko’ Okay lang ung mga sagot nila, may isa lang talagang medyo napaisip ako, ung may nagsabing ‘Ahh. Real Love Waits, Wallpaper ko lang dati yan ah’. Naisip ko, pag ako kasi nakakita ng Real Love Waits na shirt, unang pumpapasok sa isip ko, YFC to, ang galing! YFC kami pareho. Pero walang nakapansin ng ganun. Siguro, hindi lahat alam ang YFC, maybe this is the challenge for me, despite sa busy schedule namin, I should introduce my block to YFC. Ung iba, alam lang nila sa Word, hindi nila alam na tungkol kay Lord God un. Nakakalungkot din. Na ang naging pamilya ko sa skwelahan nung highschool ay ang YFC, doon ako nagkaisip ng tamang gagawin at higit sa lahat, doon ko nakilala si GOD, eh hindi masyadong nakikilala ngayong kolehiyo. Hinahanap hanap ko ung feeling na kahit member pa lang ako, approachable ung mga leaders, gaya nung kinagisnan namin nung highschool. Sa college, hindi pa kami kilala, hindi pa alam pinagdaanan namin. 

Ang masaklap pa dito, after ko marinig ang kanya kanyang suggestion tungkol sa t-shirt ko, napaisip din ako, bakit nga ba real love waits? At habang pauwi ako, nagnilay ako. At nakita ko pa din ang sarili ko na bilang MARIUS na ganun pa din sa dating nag-aapoy na puso bilang misyoneryo. Hindi man ako makilala sa university ko bilang leader, hindi ito hadlang para maipahayag ko ang pagmamahal ni Lord God sa ating lahat.

REAL LOVE WAITS pa din ang CONVICTION KO! :D

I am daring to be 100 % Pure and Free!

College Algebra.

Nag quiz kami last Monday. 

Hindi ko matandaan kung na anounced na may quiz, o surprise quiz ata xa. at NASURPRISE ako ng SOBRA!

Habang tinitingnan ko notes ko, last minute of review nung sinabi na may quiz, eh sa loob loob ko, ahh, eto, oo, alam ko to, ganyan, ahh, kaya to! Madali lang eh. Simplifying Complex Fraction. Eh di ayun, excited na kinakabahang nakaupo. Bawal ang Calculator, Pencil at extra sheet para sa solution. Culture shock din, kasi un ang normaly na ginagamit ko pag exam sa math. 

Then ayun, pag ka kita ko sa mga given. **ANAK NG TOTCHA** San galing tong mga tanong na to!!! Ung iba, parang alam ko ang gagawin, pero nawala na din ata sa isip ko ang tamang gagawin at napaghalo halo ko na ang mga dapat gawin. Pagpasa ko ng papel, Feel ko may tama akong 2, kasi, 5 items, 5 points each. Masakit talaga sa ulo pag nagkamali ka.

And kanina, Thursday. Binigay ung result.

OW MAAAAY!!! Nakaka hiya ang score ko. HAHA!

Pagkaka kuha ko ng papel, andami kagad nagtanong, Ilan ka Mars?? 

sabi ko, ilan muna kayo? anu score niyo?

EH di sinabi nila score nila, 0, 0, 0, 1, 3, 0, 0, 

Tanong nila, eh ikaw? Ilan ka?? Mataas ano? 

Sagot ko, ANO Ba? Ang score ko ay ang SCORE NG NAKAKARAMI.

ZERO :/ Kalahati samin ang ZERO. Pero may naka perfect. Halimaw no? ZERO. at hindi sya nakaktuwa. kasi hindi gaya dati na rubric method ang pagchecheck, kunwari, may formula ka o solution, may point na kagad, ngayon, kahit ilang back to back pa solution mo, pag mali ka ng final answer. WALA KANG POINTS. Ang sakit sa BANG. Bakit ganun? 

Inadvice na lang kami nung teacher namin na mag praktis kahit isang oras. gagawin ko un, gusto ko pumasa. Paghihirapan ko ang Math. Hindi siya Biro. Nakakahiya at nakakatakot bumagsak. :/

Tss. MAG-AARAL AKO NG MABUTI.

ARCHITORTURE??? Hindi ahh? :) ARCHITECTURE siya. MAHAL KO ANG KURSONG YAN :)

Graduate na AKO!/kami! :))

Maybe that is the most incredible feeling ever. Ang saya. Simula sa simula pa lang ng program. Habang naglalakad. I can feel the happiness that I brought to my Mom. I know that she’s proud of me. While she is driving to my school, which is Jose J. Leido Jr. Memorial National High School. She murmur in a way of praying. ‘Salamat Lord God nakapag pa-graduate ulit ako ng anak.’ Maybe she don’t know na narinig ko un. Kaya I just smiled and say in myself. Good Job Marius. You made your parents proud. Siguro mas matutuwa siya/sila sakin kung may rank din ako. Kaso hindi po talaga kaya eh. Ayos na saking isipin na out of 1,035 na graduate nasa top ako. Kabilang ako sa cream-of-the-crop section. I am so happy. Kahit inabot ng ilang oras. Ayos lang. And sobrang slamat sa aming valedictorian for mentioning my/our name in her adress. Though ako ay isang hamak na patapon lamang sa aming klase, i feel my worth in hearing our names in her speech. Salamat :)) And congrats sa salutatorian  for her wonderful speech. Galing sa puso :)) Salamat sa Bumubuo ng por.ey university :)) haha. Congrats sa ating lahaat. WE DID IT!!!  Alam kong hindi ko kakayanin kung ako ay mag-isa lamang. At dahil sa ating COOPERASYON. Grumaduate tayo! Salamat :*

SCROLL

So, nakita ko sa isang post dito sa tumblr na ung index finger is used to scroll. At nagtaka ako! Aba teka, bakit parang hindi naman un ang gamit ko ah. I am using my middle finger tapos ung index finger ang left click at ring finger ang right click. HAHA! So nagtanong ako sa mga tao sa paligid ko sa school. I asked them “Pag nags-scroll ka anung daliri ang gamit mo?” And ang lahat ng sagot nila ay ung kanilang index finger.

.

HAHA! SO tumawa na lang ako. Pero hindi nga? Bakit ako’y naiiba? HAHA! Seryoso kayo? Shit. haha! Kailangan kong i-train ang ganitong uri ng pag scroll. :D

Naisip ko. (wow may isip) :P

Wala na akong dedependehan sa COLLEGE! Kinakabahan ako! Wala na si MARVIN, IMMAN, AL, CZARINA at si FAFA JILL. Shooots! Kelangan ko talaga galingan! Kinakabahan ako na ewan. A little help here.

STOMACH ACHE!

My day in bullet (FIRST TIME) LOLOLOL

  • Umaga pa lang ang sakit na ng tyan ko kakatawa sa kwentuhan namin nina Mah, Julie, Dianne at nakalimutan ko ung isa. Binabalikan namin ang aming mga pinaggagawa nung First Year and I was LIKE LOOOOL!!! Hindi nga? Ginawa ko un? Pantanga palaa!
  • Lunch. Jabii with Chipmunks ft. Marvin. HOHO! Salamat MARVS :D
  • Pahapon. Ung parang TLE something ng ibang section. Bili kami ng bili at sumakit na naman ang tyan ko sa busog. Pero namburaot lang ako. 20 lang nagastos ko! :D Pero busog!
  • After nun, dumating si LeuraBeb na may dalang kite. Sabi ko sa sarili ko. Omegle! tuloy na ang kite flying. (most awaited?? haha!)
  • Punta na kami sa OVAL! Nagpalipad, pero hindi man lang masyadong tumaas ung saranggola kasi kulang daw sa TANSO TANSI? haha!
  • Picturan! VAIN! Kawawa naman si miss Photographer na si Lyra. :) 
  • Punta sa room, naglinis/kwentuhan
  • Punta sa PALENGKE!!! Ubos ang pera ko! Ang sarap kumain, kasama mo pa barkada! Ang sakit sa tyan kumain, pero ang sarap! :D

Ayun„ sabi nga ni Manong Driver kanina, malapit na Grad niyo noh? Ay alam na 4th Yr ako? Mukha ba akong 4th yr? Haha! And napaisip naman ako, oo nga ano! Si God na ang bahala sa aking School :) But I will do my best effort

Ung journal ko, nahihirapan ako, kasi nasa blog na din tapos isusulat ko pa? Nkakatamad pa magsulat. haha! :D Pero kumuha ulit ako ng souvenir para sa araw na to. Ang nakuha ko ay……. DAHON NG MAKAHIYA :D Kasi tuwang tuwa ako sa kanila kanina ang dami nila ;))

F.U.N. at the Oval :)

Eto ginagawa namin every hapon. Bago umuwi. Kahit walang ginagawa ginagabi pa din. haha! :D 

Set of Friends.

Well. Normal satin yan. Normal yan sa isang tao na magkaroon ng kaibigan o mga kaibigan. And kanina. It shows off again. After ng deliberation kanina nung iba kong classmate, promise nila na pupunta kaming jolibee. Kahit alam kong konti lang ang pera ko, gumora pa rin ako para makasama at para sa aking ginagawang journal/diary. Akala ko makakagawa ng good memories, pero naaah! Nevermind. My effort is wasted. After texting YOU kung ano na ang updates, tatawagan pa kita and ewan ba! It piss me off! Nakaka asar lang, na Akala ko ganun na tayo ka-close pero, akala ko lang pala. tss. And no choice kaming umalis na lang sa Jolibee kasi nagmumukang we’re bugging you guys, hingi dito hingi don, mejo nahihiya din naman ako kaya umalis na lang kami. Pero.. naah! Enough., I don’t want to talk about it. God Bless dear. :)

Iniisip ko.

Kung nagtuloy ako sa pagdedeliberate ano kaya itsura ko ngayon? haha! well. Ang nakikita ko sa side ng mga nagppa delibirate ay they want it and kaya sila nagppa ka pagod because may inaabot sila, maybe a dream. Kasi kung ako, magdeliberate man ako. Wala akong pakialam sa results. And I really want to honor yung mga nagpupuyat para mag ayos ng papers :)) They all deserve to be at the top. And there is no doubt about it. Goodnight :)