Nag quiz kami last Monday.
Hindi ko matandaan kung na anounced na may quiz, o surprise quiz ata xa. at NASURPRISE ako ng SOBRA!
Habang tinitingnan ko notes ko, last minute of review nung sinabi na may quiz, eh sa loob loob ko, ahh, eto, oo, alam ko to, ganyan, ahh, kaya to! Madali lang eh. Simplifying Complex Fraction. Eh di ayun, excited na kinakabahang nakaupo. Bawal ang Calculator, Pencil at extra sheet para sa solution. Culture shock din, kasi un ang normaly na ginagamit ko pag exam sa math.
Then ayun, pag ka kita ko sa mga given. **ANAK NG TOTCHA** San galing tong mga tanong na to!!! Ung iba, parang alam ko ang gagawin, pero nawala na din ata sa isip ko ang tamang gagawin at napaghalo halo ko na ang mga dapat gawin. Pagpasa ko ng papel, Feel ko may tama akong 2, kasi, 5 items, 5 points each. Masakit talaga sa ulo pag nagkamali ka.
And kanina, Thursday. Binigay ung result.
OW MAAAAY!!! Nakaka hiya ang score ko. HAHA!
Pagkaka kuha ko ng papel, andami kagad nagtanong, Ilan ka Mars??
sabi ko, ilan muna kayo? anu score niyo?
EH di sinabi nila score nila, 0, 0, 0, 1, 3, 0, 0,
Tanong nila, eh ikaw? Ilan ka?? Mataas ano?
Sagot ko, ANO Ba? Ang score ko ay ang SCORE NG NAKAKARAMI.
ZERO :/ Kalahati samin ang ZERO. Pero may naka perfect. Halimaw no? ZERO. at hindi sya nakaktuwa. kasi hindi gaya dati na rubric method ang pagchecheck, kunwari, may formula ka o solution, may point na kagad, ngayon, kahit ilang back to back pa solution mo, pag mali ka ng final answer. WALA KANG POINTS. Ang sakit sa BANG. Bakit ganun?
Inadvice na lang kami nung teacher namin na mag praktis kahit isang oras. gagawin ko un, gusto ko pumasa. Paghihirapan ko ang Math. Hindi siya Biro. Nakakahiya at nakakatakot bumagsak. :/
Tss. MAG-AARAL AKO NG MABUTI.
ARCHITORTURE??? Hindi ahh? :) ARCHITECTURE siya. MAHAL KO ANG KURSONG YAN :)

