Cool Tumblr Themes
Kaninang Mass sa BARRACKS, West B Campus Assembly

Nung part ng mass, ung sa Peace be with you na, I never thought na ganun ang mangyayare. 

Pinalapit kami sa gitna, nagbigay ng example si Father ng paghingi ng favor kay God. O ung term na, parang ung utang ni God satin, dahil naging mabuting soldier naman nya tayo. Sobrang Amazing ung kwento, tapos, pinatugtog ni Father ung You Raise Me Up na instrumental, feel na feel ko ang pagkanta, tapos nung biglang sinabi ni Father, na lapitan natin ung mga tao natin sa paligid, put a cross on their forehead, and say God Bless you, and thank you for Raising Me Up. Ayun. Ung iba, nag hu-hug na, nag Go-God Bless na, umiiyak na sila, tapos ako, I just stand there, pinipigilan kong umiyak. Ung feeling na gustong gusto mong umiyak, pero dahil wala kang kasama at maihug, pinipigilan mo nalang? Unang lumapit sakin, ung president YFC FEU, then ayun, sunod sunod na, I just stand there, still, nagpipigil umiyak. I’m grinding my teeth para hindi talaga tumulo luha ko, at sa sobrang grind, dumugo ung isa kong ngipin. Then, pinatigil na kami, dahil, sabi, with the use of our Faith, let’s embrace the people who are far from us. At dahil sinabi ni father sina mama at papa. Sobrang napaiyak na ko. Sobra ung iyak ko, dahil sobrang miss ko na sila, Gusto ko na umuwi, pero I can’t kasi para sa kanila tong pag-aaral na toh. I just stand there crying, I mean humahagulgol talaga, and pinipigilan ko pa din na wag masyadong umiyak kasi, hindi ako sanay na pag umiiyak ka, mag-isa ka, sanay ako na pag umiyak ako, anjan kagad mga kaibigan ko para mayapos. Pero kanina, while crying someone tapped my back. Si kuya vince pala, at lalo akong naiyak, kasi I didn’t expect it. Though, faci ko xa dati, at parang mentor ko xa nung 2nd year. Medyo nagkalayo na din ang loob namin sa isat isa. Sobrang blessed pa din ako kahit ung mga hindi ko ineexpect na tao ay gagawin un sakin as a replacement of my needs of comfort. At dahil, pinigilan ko talaga ang iyak ko literary, as in, I stop. I wipe my tears and pretend to smile. After nun, the song keeps on playing, lumayo na ako sa nakararami, kunwari nagpalamig ako dun sa may aircon at dun ako nagpa tigil ng luha. At dahil pinilit ko talagang pigilan ang luha, eto, ngayon, sakit ng ulo ko. tss. Pero okay lang, I experienced the best experience as of now in my college days. Though mag-isa ako, I managed to be okay. 

I will be the Change the world is waiting for :))

The Victory is now at this moment :)