Cool Tumblr Themes
Real Love Waits.

FRIDAY! 

May PE kami, kaninang umaga, nakalimutan kong sabihin dun sa kasambahay namin na gagamitin ko ulit ung PE uniform ko na ginamit ko nung Wed. Hindi ko nasabi! Pero nilabhan nya, pero, nakasampay pa, hindi pa plantsado, at late na ako kaya hindi ko na dinala un, sa halip, ay nagpunta ako sa cabinet ko at humigit ng kung anung pwedeng suotin. Nakita ko ung REAL LOVE WAITS ko na damit.

Habang nasa LRT ako, naalala ko, na medyo manipis nga pala ang tshirt na yun, dala na ng sobrang katagalan. [2nd yr pa ung damit na un, nakuha ko sya sa ILC Cebu :)] Eh di isip ako ng pwede kong gawin para hindi bumakat ang tyan ko. 

Pagdating ng oras ng palitan ng PE uniform, naghahanap ako ng may jacket, para matakpan nalang ang aking tyan, kasi iniwan ko ung jacket ko. Eh wala akong nahiraman, sawi, ika nga. So sinubukan kong magpalit, ng walang tshirt sa loob. OW MAAAY! Hume-hello there ang aking FATS!  Then nilagyan ko nlang sya ng tshirt sa loob. SOLB! Medyo tago, ngunit bakat pa din, wala nako magagawa dun. Pagpasok ko sa room, english time. Binasa nung mga kaklase ko ung nakalagay sa shirt ko, REAL LOVE WAITS. Madaming kumontra, sabi pa nung isa, ‘kung maghihintay ka lang, eh di wala na nangyare sayo? syempre aksyon aksyon din’, sabi naman nung iba, ‘ay syet mars! Ikaw pala ung hinihintay ko’ Okay lang ung mga sagot nila, may isa lang talagang medyo napaisip ako, ung may nagsabing ‘Ahh. Real Love Waits, Wallpaper ko lang dati yan ah’. Naisip ko, pag ako kasi nakakita ng Real Love Waits na shirt, unang pumpapasok sa isip ko, YFC to, ang galing! YFC kami pareho. Pero walang nakapansin ng ganun. Siguro, hindi lahat alam ang YFC, maybe this is the challenge for me, despite sa busy schedule namin, I should introduce my block to YFC. Ung iba, alam lang nila sa Word, hindi nila alam na tungkol kay Lord God un. Nakakalungkot din. Na ang naging pamilya ko sa skwelahan nung highschool ay ang YFC, doon ako nagkaisip ng tamang gagawin at higit sa lahat, doon ko nakilala si GOD, eh hindi masyadong nakikilala ngayong kolehiyo. Hinahanap hanap ko ung feeling na kahit member pa lang ako, approachable ung mga leaders, gaya nung kinagisnan namin nung highschool. Sa college, hindi pa kami kilala, hindi pa alam pinagdaanan namin. 

Ang masaklap pa dito, after ko marinig ang kanya kanyang suggestion tungkol sa t-shirt ko, napaisip din ako, bakit nga ba real love waits? At habang pauwi ako, nagnilay ako. At nakita ko pa din ang sarili ko na bilang MARIUS na ganun pa din sa dating nag-aapoy na puso bilang misyoneryo. Hindi man ako makilala sa university ko bilang leader, hindi ito hadlang para maipahayag ko ang pagmamahal ni Lord God sa ating lahat.

REAL LOVE WAITS pa din ang CONVICTION KO! :D

I am daring to be 100 % Pure and Free!

Blog comments powered by Disqus